Maoobliga na ang mga development projects na maglagay ng rainwater harvesting facilities matapos na makalusot ang panukala sa House Committee on Metro Manila Development.
Sa ilalim ng inaprubahang panukala, ang lahat ng mga public, private, commercial, institutional at residential developments sa Metro Manila ay oobligahin na maglagay ng rainwater harvesting na layong mabawasan ang matinding pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan.
Ang Department of Human Settlements and Urban Development at mga Local Government Units o LGUs ang naatasang magmonitor kung nasusunod ang kautusan.
Bukod dito, ang LGUs din ang magdedesisyon kung babawiin ang building permit ng mga developers na bigong sumunod sa panukala sa oras na maging ganap na batas.
Ang mga developers na walang rainwater harvesting ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P500,000 at hindi naman lalagpas sa P2 Million.