Paglalagay ng rosaryo at Sto.Niño sa mga sasakyan, hindi ipinagbabawal

Manila, Philippines – Nilinaw ni Transportation Chairman Cesar Sarmiento na hindi kasama sa Anti-Distracted Driving Act ang mga Sto. Niño nakalagay sa dashboard at rosaryo na nakasabit sa mga sasakyan sa ipinagbabawal ng batas.

Ayon kay Sarmiento na may-akda ng batas sa Kamara, hindi ito sakop ng batas at maaaring ibang batas ang pinagbatayan sa ibang mga ipinagbabawal na nakalagay sa harap ng sasakyan na maaaring maka-distract sa atensyon ng driver.

Kasabay nito ay kinwestyon naman ni Bulacan Rep. Gavini Pancho ang LTFRB na kung may batas na pala noon na nagbabawal sa paglalagay ng kung anu-anong display sa harap ng sasakyan, ay bakit ngayon lamang ito ipapatupad at napag-uusapan.


Paglilinaw naman ni LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra III na tanging sa gadgets at kung papano lamang ginagamit ang gadget na nakakaapekto sa atensyon ng isang driver ang nakapaloob sa batas.

Aniya, lumabas lamang ang usapin sa pagbabawal ng paglalagay ng Rosaryo, Sto.Niño, at iba pang display sa harap ng sasakyan dahil sa pagsagot nila sa mga tanong ng publiko na inakala ng iba ay nakasaad sa ADDA.

Tinukoy naman ng LTFRB ang Joint Administrative Order 2014-01 na naging batayan kaya nila nasabi na bawal ang mga ito.

Nagisa naman ni Antipolo Rep. Romeo ACOP ang LTFRB dahil hindi pinapaliwanag ang specific provisions ng batas kaya nalilito ang taumbayan.
DZXL558

Facebook Comments