Paglalagay ng safeguard duty sa mga inaangkat na passenger at light vehicles, suportado ng DOLE

Susuportahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang paglalagay ng safeguard duty sa mga inaangkat na passenger at light vehicles para protektahan ang mga manggagawa mula sa automotive industry.

Batay sa Labor Force Survey, bumaba ang employment sa automotive sectors mula sa 109,000 noong 2016 sa 93,000 nitong 2019 sa gitna ng pag-unlad ng automotive market buhat ng mataas na domestic consumption.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, pagbubutihin nito ang labor market condition sa mga industriyang pinadapa ng COVID-19 pandemic at pati na rin ang inaasahang pagdating ng mga imported na sasakyan.


Bilang labor-intensive industry, ang potensyal para sa employment opportunities sa industriya ay mataas.

Umaasa ang DOLE na ang pagpapatupad ng Safeguard duty ay mas makahihikayat ng mga industry players na mag-focus sa pag-iinvest at pag-develop sa domestic market.

Facebook Comments