Paglalagay ng solar powered irrigation sa mga sakahang apektado ng El Niño, isinusulong ni Pangulong Marcos

Isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paglalagay ng mga solar powered irrigation units sa lahat ng probinsya na direktang apektado ng El Niño.

Sa ceremonial palay harvesting at distribution of government assistance sa Candaba, Pampanga, sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan aniya nito ay lalakas ang kita at produksyon ng mga magsasaka kahit pa sa panahon ng tagtuyot.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos na kayang makapagpatubig ng 20 ektarya ng lupain ang isang unit ng solar power irrigation.


Libo-libong unit ng solar powered irrigation ang target na ipakalat ng pamahalaan sa iba’t ibang bahagi ng sakahan sa bansa at pag-uusapan aniya kung paano ito mapopondohan.

Sinabi rin ng pangulo na naging matagumpay sa Vietnam ang solar powered irrigation at ang hakbang ay pwedeng ipatupad sa Pilipinas.

Facebook Comments