Paglalagay ng Solar-Powered Irrigation Systems o SPIS sa mga palayan at plantasyon, pagtutuunan ng pansin ng Lacson-Sotto tandem

Tiniyak ng Partido Reporma standard-bearer Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate nito na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na makakaasa ang mga magsasaka at mangingisda na mapakikinggan ang kanilang hiling at suhestiyon para magkaroon ng sapat na tulong pinansyal at teknikal.

Ayon sa Lacson-Sotto tandem, nakausap na nila ang mga pribadong sektor para sa pagbuo ng mga pamamaraan upang mapaunlad ang agrikultura, kabilang na ang paglalagay ng Solar-Powered Irrigation Systems o SPIS sa mga palayan at plantasyon.

Paliwanag naman ni Senador Lacson na hindi maisasantabi ang boses ng mga magsasaka na kanilang sinangguni dahil kasama rin sa binubuong planong pang-agrikultura ang kanilang mga ideya at iminungkahing solusyon sa mga problema na sila mismo ang nakararanas.


Ibinahagi rin ni Lacson na personal niyang sinubukan ang benepisyong maaaring makuha mula sa Solar Power Irrigation System dahil ginamit niya ito sa kaniyang maliit na dalawang ektaryang bukid sa Imus, Cavite kung saan nagtatanim siya ng iba’t ibang gulay.

Facebook Comments