
Naniniwala si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Marbil na dapat lagyan ng mas maraming road signage at speed limit ang Marilaque highway.
Ayon kay Marbil na dating hepe ng Highway Patrol Group, sa pamamagitan aniya ng paglalagay ng mas maraming babala sa kalsada, posibleng mabawasan ang disgrasya.
Samantala, sinabi ni Marbil na dapat ay magkaroon din ng maigting na ugnayan ang Local Government at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa engineering ng Marilaque.
Nitong nakalipas na linggo, matatandaang isang rider ang nasawi at 6 na iba pa ang sugatan matapos mauwi sa aksidente ang pag-a-ala Superman sa pagkarera ng 2 nakamotorsiklo sa Marilaque highway.
Facebook Comments