Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukala ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. Na lagyan ng stamp ng mapa ng Pilipinas ang Pasaporte ng mga Chinese na bumibisita sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, isasama sa mapa ang teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea.
Iprinisenta aniya ni Locsin sa cabinet meeting ang bagong disenyo ng stamp.
Sa ganitong paraan ay maipapakita ng Pilipinas sa China na iginigiit ng bansa ang pagmamay-ari sa naturang teritoryo.
Naniniwala kasi si Pangulong Duterte na kung mahigpit ang China sa mga Filipino sa pagpasok sa kanilang bansa ay dapat na ganito rin ang gawin ng Pilipinas sa mga Chinese.
Maipapatupad ang bagong proseso sa mga Chinese sa loob ng taong ito.
Facebook Comments