Suportado ng Department of Health (DOH) ang istratehiya ng ilang local government units (LGUs) na lagyan ng stickers ang mga bahay na establisyimentong mayroong mga taong nabakunahan na laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isa ito sa paraan ng mga LGU na alamin kung sinu-sino sa kanilang mga kababayan ang nabakunahan na.
“I think the local governments are employing different strategies para sa kani-kanilang mga local government on kung paano nila masasabi na ang pamilyang ito ay bakunado na o hindi,” sabi ni Vergeire.
Hindi naman nila nakikita na isa itong uri ng diskriminasyon.
Muling paalala ni Vergeire na ang COVID-19 vaccination ay voluntary pero hinihikayat pa rin ang lahat na magpabakuna.
Facebook Comments