Paglalagay ng yellow ribbon sa mga bahay na may COVID-19 positive, walang bahid pulitika

Nilinaw ni Pateros Mayor Ike Ponce na walang bahid pulitika ang ginagawa nilang paglalagay ng yellow ribbon sa mga bahay na mayroong nakatirang COVID-19 positive.

sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Ponce na walang diskriminasyon na nangyayari lalo na’t hindi naman pinipilit ang mga may-ari ng bahay.

Paliwanag ni Ponce, ginawa rin ito para maabisuhan ang mga residente na umiwas at mapabilis ang pagkontrol sa COVID-19 sa bawat lugar.


Batay sa datos kahapon ng lokal na pamahalaan ng Pateros, nasa 588 ang nananatiling aktibo sa kanilang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments