Kasabay ito ng kanyang State of the City Address (SOCA) kahapon, Nobyembre 24,2022.
Ayon sa kanya, pangarap lang noon ng bawat isa na maranasang makasakay ng MRT o LRT, isang uri ng transportasyon na tiyak na mapapabilis ang biyahe ng sinuman.
Ngunit para sa alkalde, magiging posible na ito dahil sa ginawang pakikipagdayalogo sa ilang investors na makapaglagay ng overhead rail system sa lungsod.
Tatakbo ito ng 10-kilometro mula Centro Poblacion hanggang Alibagu Central Terminal at magkakaroon rin ng biyahe mula Osmeña hanggang Lullutan.
Nakapagsumite na umano ang Futran Corporation ng kanilang ‘Unsolicited Proposal’ para sa proyektong ito.
Dagdag pa ng binansagang working Mayor, magkakaroon ito ng partnership agreement sa pagitan ng Futran at ng City Government para sa pagpapatupad ng proyekto.
Ang Futran ay matagal na sa ganitong proyekto at may kahalintulad na proyekto sa mga bansang Singapore, South Africa, Europa at iba pang mga bansa.
Malaki aniya ang maitutulong nito sa ekonomiya at ang hangaring maging isang liveable city.