Manila, Philippines – Tiniyak ng palasyo ng Malacañang na matutuloy ang paglalagda ng isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng Kuwait para mapangalagaan ang kapakanan ng mga OFW house hold workers sa Kuwait.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, pagkatapos pa ng panahon ng Ramadan posibleng malagdaan ang nasabing kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.
Kaya naman sa Hunyo pa posibleng malagdaan ang dahilan ay ang Ramadan ay magsisimula sa ika-14 ng buwan ng Mayo at matatapos sa Hunyo.
Pero sinabi din ni Roque na hindi pa tiyak kung sasaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglagda ng nasabing kasunduan dahil ayon kay Roque ay nagbabawas ng biyahe sa labas ng bansa ang Pangulo dahil napapagod ito sa biyahe.
Facebook Comments