Paglalantad ng netizens sa marangyang pamumuhay ng ‘nepo babies’ o kaanak ng mga dawit sa flood control projects, suportado ng Palasyo

Suportado ng Malacañang ang kaliwa’t kanang paglalantad ng mga netizen sa social media kaugnay ng marangyang pamumuhay ng tinaguriang “nepo babies” o ang mga kaanak ng mga contractor na sangkot sa mga proyekto ng flood control projects.

Sa gitna ito ng pag-viral ngayon ng mga vlog at post kung saan tampok ang mga anak at kaanak ng mga contractor at opisyal na nagpapakita ng mamahaling bag, biyahe abroad, at mga magagarang kotse, bagay na umani ng galit mula sa publiko.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mahalagang maging katuwang ng gobyerno ang taumbayan sa laban kontra korapsiyon, lalo’y mas alam nila ang tunay na sitwasyon sa kanilang lugar.

Kasabay nito, muling nanawagan ang Palasyo na agad i-report sa ang anumang impormasyon hinggil sa maanumalyang proyekto, upang mas mapabilis ang imbestigasyon at pananagot ng mga nasa likod ng iregularidad.

Facebook Comments