Paglalaro ng basketball sa public courts, bawal pa rin – DILG

Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na mahigpit na ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang quarantine protocols lalo na sa pagbabawal ng contact sports gaya ng basketball sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang basketball games at iba pang contact sports activities ay nananatiling bawal sa public playgrounds.

Inaatasan din ni Año ang mga barangay officials na ipatupad ang guidelines hinggil sa pagbabawal ng contact sports.


Sa kabila ng direktiba ni Año, may ilang barangay officials na ipinapahiram o ipinaparenta ang basketball courts sa gitna ng pagpapatupad ng lockdown at social distancing.

Ang rental fees mula sa basketball courts at multi-purpose halls ay ilan sa income generating assets ng barangays.

Facebook Comments