Cauayan City, Isabela- Inatasan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang lahat ng Local chief executives at mga Punong barangay upang magsagawa ng hakbang sa pag-iwas sa sakit na African Swine Fever.
Ito ay batay sa executive order no. 32 na nilagdaan ni Governor Rodito Albano III.
Kinakailangan na ipagbigay alam sa tanggapan ng City/Municipality Veterinary Office ang ilang hindi pangkaraniwang pagkamatay ng mga alagang baboy para makuhanan ng blood sample sa gagawing pagsusuri sa mga ito.
Bukod dito, kailangan na magkaroon ng maayos na libingan ang mga namatay na baboy at hindi dapat basta itapon sa ilog, creeks o irrigation canals habang ang mga barangay na pinaghihinalang may kaso ng ASF ay agad na maglatag ng barangay checkpoints.
Samantala, kailangan naman na ilibing sa 6- na talampakang hukay ang mga baboy na namatay sa isang barangay habang magsagawa rin ng disinfection sa loob ng 30-days para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng sakit na ASF.
Ipinunto rin sa kautusan ang paglalagay ng ‘Bantay ASF’ sa mga walang naitatalang suspected o positive cases ng ASF bilang hakbang na rin ito sa hindi pagpapasok ng mga baboy, processed meat produucts at iba pa.