Cauayan City – Pansamantalang sinuspende ng Coast Guard STATION (CGS) Isabela ang paglalayag ng anumang uri ng sasakyang pandagat sa karagatan dahil sa banta ng bagyong “Nika”.
Nagsimulang maging epektibo ang suspensyon ganap na alas onse ng gabi noong ika-9 ng Nobyembre at epektibo pa rin ito hanggang sa mga oras na ito.
Ang nabanggit na hakbang ay isa sa mga precautionary measures na ipinatutupad ng CGS Isabela upang maiwasan na makapagtala ng anumang uri ng Maritime Incidents ngayong panahon ng kalamidad.
Hinihikayat rin ng CGS ang publiko lalo na ang mga naninirahan malapit sa baybayin na patuloy na imonitor ang lagay ng panahon, makinig at sumunod sa mga paalala at abiso ng kinauukulan upang matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa banta ng bagyo.