Umaasa si Senate Minority Leader Franklin Drilon na susuportahan ng Malacañang ang rekomendasyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ilayo mula sa mga kampo ng miitar ang mga POGO o Philippine Offshore Gaming Operations.
Sa ngayon ay 55 lisensyadong POGO ang nasa Cubao at Eastwood, Quezon City na malapit sa Camp Aguinaldo at Camp Crame.
Bukod ito sa POGO hubs sa Villamor Sa Pasay City na malapit sa headquarters ng Philippine Airforce.
Mayroon din sa Taguig City kung saan nakapwesto ang headquarters ng Philippine Army at may POGO rin sa Roxas Boulevard na malapit sa headquarters ng Philippine Navy.
Diin ni Drilon, hindi maaaring ipagsawalang-bahala ang payo ni Lorenzana ukol sa National Security kung saan posibleng magamit sa intelligence gathering ang mga Chinese workers ng POGO na malapit sa mga kampo ng militar.