Paglambot ng lupa dulot ng paghuhukay sa pundasyon ng retaining wall, dahilan ng landslide sa Antipolo City

PHOTO: Antipolo BFP

Kinumpirma ng Rizal Police Provincial Office na ang paglambot ng lupa dulot ng paghuhukay sa pundasyon ng retaining wall ang dahilan ng naging landslide sa Antipolo City kahapon.

Sa naturang insidente, apat na construction workers ang nasawi habang dalawa ang sugatan sa Fairmount Hills Subd., Mount Blanc St., Barangay Dela Paz.

Kinilala ang mga nasawi na sina Fernando Macalindong Jr., Romulo Perdigon Jr., Edgardo Empleo, at Albert Lopez na pawang mga construction workers ng FRAMEGO 101 Corporation.


Agad namang nailigtas sina Roben James Ibañez at Juan Panza at dinala sa ospital para mabigyan ng atensyong medikal.

Sasagutim naman ng FRAMEGO 101 Corporation ang lahat ng gastusin para sa mga biktima.

Nagdesisyon din ang mga pamilya na huwag nang isailalim sa autopsy ang mga labi ng mga biktima.

Facebook Comments