Paglamig ng Klima sa Baguio Ikinatuwa ng mga Magsasaka

Baguio, Phillipines – Masaya ang maraming magsasaka sa Benguet dahil sa pagbaba ng temperatura dahil nakakatulong ito para mapanatiling sariwa ang mga gulay na kanilang itinatanim at ibinebenta.

Ngunit nangangamba din ng ilang magsasaka na nasa matataas na parte ng Benguet na kung sobrang bumaba ang temperatura ay maaaring mag frost o mag yelo ang kanilang mga itinamin at maging sanhi ng pagkasira.

Sa ngayon ay mababa parin ang presyo ng mga gulay dahil na rin sa magandang ani sa Benguet.


Asahan pa ang pagbaba ng temperatura hanggang Pebrero sa susunod na taon dahil sa hanging amihan dito sa Northern Luzon.

Facebook Comments