Pansamantalang ipagbabawal ang paglangoy sa bahagi ng Agno River na nasasakupan ng Mangatarem sa panahon ng Semana Santa.
Alinsunod sa Executive Order No. 147, Series of 2026, hindi papayagan ang paglangoy o pagligo sa ilog mula Marso 30 hanggang Abril 5, 2026 bilang hakbang upang maiwasan ang pagkalunod at iba pang aksidente.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng kautusan na matiyak ang payapa at ligtas na paggunita ng Mahal na Araw sa nasabing lugar.
Hinihikayat naman ang publiko na makiisa at sumunod sa ipinatutupad na regulasyon upang manatiling ligtas at makaiwas sa panganib. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










