Paglapad at paglipad ng mga eroplano sa NAIA, pansamantalang sinuspinde

Pansamantalang sinuspinde ng Ninoy Aquino Interantional Airport (NAIA) ang lahat ng flights nito kasunod ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ang lahat ng flights, arrival at departures ay naka-on hold.

Ang mga runway at ramps sa paliparan ay nababalutan na ng abo.


Pinayuhan ang mga pasahero na makipag-coordinate sa kanilang mga airlines para sa updates.

Sa panig naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), mananatili ang suspensyon hanggang sa susunod nilang abiso.

Magkakaroon naman ng joint assessment ngayong umaga ang MIAA at CAAP.

Binabantayan ng CAAP ang ash cloud sa pamamagitan ng Volcanic Advisory Center of Japan.

Ang flight suspension ay kasunod ng initial briefing nina MIAA General Manager Ed Monreal at CAAP Director General Jim Sydiongco kay Transportation Sec. Arthur Tugade.

Facebook Comments