Paglapit ng mga mangingisda sa paligid ng Taal Volcano, mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard

Mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southern Tagalog ang mga mangingisda na patuloy na nagtatangkang makalapit sa kanilang fish cages sa paligid ng Taal Volcano.

Kasunod ito ng pagkakahuli kahapon sa ilang mangingisda sa paligid ng bulkan partikular sa bahagi ng Talisay, sa kabila ng ipinatutupad na Alert Level 3.

Kaugnay nito, patuloy na nagpapa-alala ang PCG sa mga mangingisda sa lugar na iwasan munang mangisda dahil sa panganib na dulot ng pag-aalburoto ng Taal Volcano.


Kahapon, una na ring nagpa-alala ang Department of Tourism (DOT) sa mga turista na ipagpaliban muna ang pamamasyal sa ilang bayan sa Batangas lalo na ang malapit sa Bulkang Taal partikular ang mga bayan ng Agoncillo at Laurel.

Facebook Comments