Manila, Philippines – Ina-asahang magiging mainit ang pagtalakay sa ASEAN Ministerial Meeting sa isyu ng missile test ng North Korea.
Sa press conference ni Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar sa International Media Center, sinabi nito na sabik ang ASEAN members na malaman ang developments sa Korean peninsula.
Ayon kay Bolivar, ang ASEAN kasi ang tanging venue para sa aniya’y “candid dialogue” sa NoKor nuclear ambitions.
Ang naturang isyu ay pormal na bubuksan ng sampung mga bansang kasapi ng ASEAN, sa pagpupulong sa Sabado na dadaluhan ni North Korean Foreign Minister Ri Yong Ho.
Facebook Comments