Paglaya at libreng COVID-19 vaccines para sa mga Pilipino, pangunahing Christmas wish ni Senator De Lima

Pangunahin sa Christmas wish ni Senator Leila De Lima na makalaya at mapawalang sala sa mga nilutong kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Ito na ang ika-apat na beses na nagdiriwang ng Pasko sa Philippine National Police o PNP Custodial Center si De Lima.

Kasama din sa Christmas wish ni De Lima na magkaroon na ng libreng bakuna laban sa COVID-19 para sa lahat ng Pilipino.


Hiling din ni De Lima na matuldukan na ang umiiral na kultura ng karahasan at pagpatay gayundin ang kawalan ng pananagutan ng mga tunay na nagkakasala sat aing bansa.

Ngayong Pasko ay pinapasalamatan din ni De Lima ang mga lahat ng COVID-19 frontliners, pati na rin ang typhoon and disaster responders, at lahat ng indibidwal o grupo na nagpaabot ng tulong sa kanilang kapwa ngayong pandemya at sa mga biktima ng kalamidad.

Facebook Comments