Paglaya laban sa pang-aabuso, pagkawatak-watak at kasamaan, kabilang sa mensahe ni VP Sara Duterte ngayong Rizal Day

Naging tampok sa mensahe ni Vice President (VP) Sara Duterte ngayong Rizal Day ang paniniwala na ang kalayaan ay hindi lamang paglaya mula sa puwersang dayuhan.

Ayon kay VP Sara, ang kalayaan ay pati na rin sa isip at damdamin mula sa pang-aabuso, pagkawatak-watak at kasamaan.

Sinabi rin ni VP Sara na sa paggunita ng mga sakripisyo ni Dr. Jose Rizal, dapat manumbalik ang ating lakas at tapang na manindigan para sa katotohanan at katarungan.

Hindi rin aniya dapat hayaang mamatay ang diwa ng karunungan at pagkakaisa.

Kinilala rin ni VP Sara ang ipinamana ni Dr. Jose Rizal hinggil sa diwa ng walang-takot na pagmamahal sa bayan at ang pangarap ng tunay na kalayaan na nakabatay sa liwanag ng kaalaman.

Facebook Comments