Paglaya ng 17 Pinoy crew ng MV Galaxy Leader na hawak ng Houthi, wala pa ring linaw

Aminado ang Department of Migrant Workers (DMW) na malabo pa ang paglaya ng 17 Pilipinong tripulante ng MV Galaxy Leader na hinayjack ng Houthi sa Red Sea noong November 2023.

Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, nasa barko pa rin ang naturang mga Pinoy at nasa ligtas naman na kalagayan ang mga ito.

Tiniyak naman ni Cacdac na patuloy ang ugnayan nila ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa paglaya ng naturang mga Pinoy.


Sa kaso naman ng MV True Confidence, inihayag ng kalihim na hindi pa tapos ang pagsusuri ng forensic experts sa mga labi ng 2 Pinoy crew na namatay sa missile attack ng Houthi.

Samantala, kinumpirma ni Cacdac na pahirapan ngayon ang search and retrieval operations ng rescue team sa nawawalang Pinoy crew ng MV Tutor matapos na tuluyan nang lumubog ang barko.

Facebook Comments