Pinasinayan ng Bureau of Corrections (BuCor) kaninang alas-9 ng umaga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang programa ng paglaya ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakatapos na ng kanilang sentensya.
Ang programa ay may temang “Bagong Pag-asa’y aming nasumpungan, sa Bagong taon, paglayaglaya’y aming nakamtan.”
Dinaluhan ito ng ilang opisyal ng BuCor, kabilang na ang Director General ng BuCor na si General Gregorio Pio P. Catapang Jr., at panauhing pandangal na si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla.
Mamamahagi ang BuCor ng Certificate of Discharge from prison, grooming kit, at transportation allowance sa mga lalayang PDLs.
Facebook Comments