Paglaya ng Pilipinas sa POGO, panawagan ng isang kongresista kay PBBM

Umaasa si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na ang katatapos na pagdiriwang ng Independence Day ay maghahatid ng paglaya ng Pilipinas mula sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Bunsod nito ay umaapela si Barbers kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pakinggan ang panawagang ipagbawal na ang POGO sa bansa na ugat ng mga krimen, karahasan at iba’t ibang ilegal na aktibidad.

Giit ni Barbers kay PBBM, marami na ang mamamayang Pilipino na nabibiktima ng POGO na ang hindi maipaliwanag na ari-arian o yaman ay ginagamit sa pagsusulong ng korapsyon sa ating gobyerno o pansuhol sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan.


Diin ni Barbers, naghahasok ng lagim ang POGO at winawasak nito ang ating lipunan at moralidad ng buong bansa.

Ipinunto ni Barbers, na kung mahal natin ang ating bayan ay dapat putulin lubos o ipasara na at tuldukan ang operasyon ng POGO sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments