PAGLAYAG NG MGA SASAKYANG PANDAGAT, PINAHINTULUTAN NA NG COAST GUARD STATION ISABELA

CAUAYAN CITY- Inihayag ng Coast Guard Station Isabela na maaari ng lumayag ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat at motorbanca sa mga coastal areas sa lalawigan ng Isabela.

Ang naturang anunsyo ay epektibo kaninang alas singko ng umaga kung saan pinapayagan nang pumalaot ang mga sasakyang pandagat sa bayan ng Dinapigue, Divilacan, Palanan, at Maconacon.

Matatandaan na sinuspende ang paglayag sa mga ito noong ika-28 ng Setyembre dulot ng Bagyong Julian.


Kaugnay nito, pinapayuhan naman ang lahat na dapat magsagawa ng karagadagang pag-iingat at patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon at dagat bago lumayag.

Facebook Comments