Pagli-leave ni Wescom Chief Carlos, walang kinalaman sa umano’y “new model agreement” sa Ayungin Shoal ayon sa Philippine Navy

Nilinaw ng Philippine Navy (PN) na walang kinalaman sa isyu ng “new model agreement” sa Ayungin Shoal ang pagli-leave ni Vice Admiral Alberto Carlos.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Roy Vincent Trinidad na noong nakaraang buwan pa inihain ang application for leave ni Carlos.

Na-aprubahan na rin aniya ito bago pa man lumutang ang pinakahuling disinformation ng China.


Ayon pa kay Trinidad, ang konsepto ng new model agreement ay isa lamang aniyang “marites” warfare ng China upang mag away-away ang mga Pilipino.

Nabatid na si Carlos ang nagsisilbing commander ng Western Command ng Philippine Navy.

Pero dahil naka-leave ito, si Naval Education, Training and Doctrine Command chief Rear Admiral Alfonso Torres Jr., muna ang pansamantalang hahalili kay Carlos.

Facebook Comments