MOSUL, IRAQ – Mahigit 2,400 ng indibidwal ang lumikas sa Western Mosul matapos ang patuloy na pagbawi ng government forces ng Iraq sa lugar na hawak ng mga ISIS.
Sinabi ni Minister of Displacement and Migration Jasem Mohammed Al-Jaff, ang nasabing bilang ay naitala lamang sa loob ng isang araw.
Mananatili ang mga lumikas na residente sa Al-Jada refugee camp at Al-Qayyara airport sa South Mosul.
Mula pa noong nakaraang linggo, mayroon ng 3,888 na katao ang nakalabas sa nasabing lugar.
Facebook Comments