Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi na kailangang lumikas ang higit 370,000 Filipino workers sa Hong Kong sa kabila ng nagpapatuloy na mass protests.
Pagtitiyak ng DFA na nananatiling ligtas ang mga Pilipino at hindi apektado ng malakawakang protesta.
Dapat bisitahin ang website ng konsulada para sa mga update at mga bagong abiso.
Karamihan sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Hong Kong ay mga domestic helper.
Pinayuhan naman ng DFA ang mga Pilipino sa Hong Kong na manatiling naka-alerto at huwag sumama sa mga protesta at iwasan ang pagdadala ng anumang bagay na mapagkamalang bahagi ng pagkilos.
Facebook Comments