Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglikas sa mga residenteng sakop ng Danger Zone malapit sa Taal Volcano.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, patuloy na mino-monitor ng palasyo ang sitwasyon ng bulkan.
Nagbigay na aniya ng direktiba ang Pangulo na ipatupad ang mga mahahalagang hakbang para ilikas ang mga taong nakatira malapit sa paligid ng Bulkan.
Ang mga kaukulang ahensya ay nakikipagtulungan na sa pamahalaang panlalawigan ng Batangas para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Sinabi naman ni DILG Sec. Eduardo Año, inatasan na niya ang mga lgu na malapit sa bulkan na ilikas ang mga residente nito.
Mahalagang maialis ang mga tao sa Danger Zone.
Bukod sa mga residente, umapela rin ang DILG sa mga turista na lisanin ang lugar.
Nagkaroon na ng evacuation sa mga bayan ng san Nicolas, Balete, at Talisay.
Sa datos ng local Disaster Office na aabot sa 2,000 residenteng nakatira sa Volcanic Island ang nakatira.