Isinusulong ni Senator Nancy Binay ang panukalang magpapalakas at striktong magpapatupad ng standards sa paglikha at pagbabago ng official seals at logo sa mga tanggapan ng gobyerno.
Sa Senate Bill 2384 na inihain ni Binay, inaamyendahan nito ang Republic Act 8491 kung saan pinalalakas ng panukala ang mga alituntunin sa paglikha, pagbabago at registration ng mga official seals at iba pang heraldic items at devices ng mga ahensya at opisina ng pamahalaan.
Binigyang diin ng senadora na hindi basta-basta ang rebranding at pagbabago ng logo.
Sinabi ni Binay na kailangang matiyak na ang official seals at logos ay kumakatawan sa pambansang mithiin at tradisyon na nagpapahayag ng mga prinsipyo ng soberenya at pambansang pagkakaisa.
Sa ilalim panukala, ang anumang government entity kasama ang military ay maaari namang mag-adopt ng angkop na coat-of-arms, administrative seals, logo, insignia, badges, patches, banners at magpasimula ng paggagawad ng awards, citations, orders o decorations na inotorisa ng Kongreso o ng Office of the President pero ito ay subject for approval at recommendation ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).