Paglikha ng anti-agricultural smuggling task force, inirekomenda ng Senado

Iminungkahi ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform ang pagtatatag ng Anti-Agricultural Smuggling Task Force.

Ang suhestyon ay nakapaloob sa Senate Committee Report no. 25 na inilabas matapos ang imbestigasyon ng Senado sa tumataas na presyo ng local onions.

Ang Anti-Agricultural Smuggling Task Force ay sasailalim sa direktang kontrol at superbisyon ng tanggapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., (PBBM) na layong protektahan ang buong sektor ng agrikultura at hindi lang ang industriya ng sibuyas.


Inirerekomenda rin ang paglikha ng special court sa ilalim ng pangangasiwa ng Supreme Court na siyang didinig at maglilitis sa mga kasong may kinalaman sa smuggling ng produktong agrikultural.

Dagdag pa sa mungkahi ang pagtatatag ng post-harvest services ng mga onion farmers tulad ng cold storage facilities.

Dagdag din sa rekomendasyon na isabatas ang pagturing na krimen na economic sabotage ang profiteering at hoarding ng Agricultural products.

Facebook Comments