Paglikha ng Department of Disaster and Emergency Management, iginiit

Manila, Philippines – Sa pamamagitan ng paghahain ng Senate Bill No. 1553 ay iginiit ni Senator JV Ejercito ang pagtatayo ng Department of Disaster and Emergency Management.

Ang hakbang ni Ejercito ay kasunod ng paggunita kahapon sa pananalasa ng super typhoon Yolanda sa Eastern Visayas region apat na taon na ang nakakaraan.

Diin ni Ejercito, mahalaga ang pagkakaroon ng nabanggit na ahensya para sa ating bansa na madalas na tamaan ng likas na mga sakuna nang dahil sa geographical location at physical environment nito.


Tinukoy ni Ejercito na ang Pilipinas ay matatagpuan din sa tinaguriang ‘pacific ring of fire,’ na madalas tinatamaan ng paglindol, tsunami at pagsabog ng bulkan.

Sa paghagupit aniya ng super typhoon Yolanda ay nakita ang kakulangan sa polisiya ng gobyerno sa disaster preparedness, mitigation, pagresponde at sa rehabilitasyon.

Giit ni Ejercito, matutugunan ang nabanggit na mga kakulangan ng isang departamento na mamamahala sa disaster preparedness, response at mitigation, at risk reduction.

Facebook Comments