Iginiit ng isang party-list representative na napapanahon na para malikha ang Departament of Water upang magkaroon ng mas malinaw na polisiya sa pagrenda sa mga yutilidad sa tubig.
Ginawa ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ang pahayag sa pulong balitaan sa QC kasunod ng pag- alma ng gobyerno sa nakapaloob na mabigat na pananagutan sa kontrata ng mga water concessionaires na Manila Water at Maynilad.
Ani Herrera-Dy, maraming kahalintulad na proposed bill sa kamara kaugnay ng paglikha ng Departament of Water.
Dapat aniyang i-consolidate ang mga ito para maipasa sa lalong madaling panahon.
Sa pamamagitan ng Department of Water, pagiisahin ang lahat ng ahensya na humahawak sa serbisyo ng tubig.
Bibigyan ito ng ngipin upang makapagtrabaho bilang tunay na regulatory independent regulatory body na magtatakda ng makatwirang adjustment sa water rates.
Hindi tulad ng kaso ngayon na mistulang napapasunod lamang ang mwss sa kapritso ng dalawang water concessionaires.
Magsisilbi rin itong quasi judicial body upang may direktang mapagsusumbungan ang mga consumers sa anumang abuso o palpak na serbisyo.