Paglikha ng Dept. of Water Resources, isinusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Inihain sa Kamara ng bagitong mambabatas na si Iloilo Representative Lorenz Defensor ang panukala na naglalayong lumikha ng Department of Water Resources (DWR).

Itinutulak ang panukala kasunod ng naranasang water crisis sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Sa ilalim ng House Bill No. 2514, pagsasamahin na sa ilalim ng DWR ang iba’t-ibang opisina na may kinalaman sa tubig.


Kapag naging batas, tutugunan nito ang mga problema at titiyakin ang malinis, ligtas at sustainable na tubig para sa mga Pilipino.

Sa kasalukuyan, ang National Water Resources Board (NWRB) ay nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) habang ang Local Water Utilities Administration (LWUA) at ang National Irrigation Administration (NIA) ay nasa ilalim ng Office of the President.

Facebook Comments