Paglikha ng DMW task force laban sa investment scams, magbibigay proteksyon sa mga OFW laban sa mga manloloko

Ikinalugod ni OFW Party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang paglikha ng Department of Migrant Workers o DMW ng Task Force to Combat Investment Scams.

Tiwala si Magsino na mabibigyang proteksyon ng task force ang Overseas Filipino Workers o OFWs laban sa manloloko na nais samantalahin ang kanilang pinaghirapang kitain o ipunin para sa kanilang mga pamilya.

Ayon kay Magsino, makakatulong ang task force para huwag mapunta sa kamay ng scammers ang malaking kontribusyon ng mga OFW sa ekonomiya ng ating bansa.


Binigyang diin ni Magsino na mahalagang mabigyan din ang mga OFW ng tamang impormasyon at gabay para hindi sila mabiktima ng investment scams.

Samantala, hinggil dito ay nakikipagtulungan naman ang OFW Party-list sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa napaulat ng investment scams na bumibiktima sa mga mangagawang Pilipino sa South Korea ng kabuuang halaga na P150 million.

Facebook Comments