Pinaigting ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga hakbang para tulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang poverty alleviation initiative.
Ito ay makaraang aprubahan ng DBM ang mahigit apat na libong posisyon bilang suporta sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na layong maibsan ang kahirapan bansa.
Sa ilalim nito, 4,265 positions para sa iba’t ibang Field Offices ng DSWD ang bubuksan para dagdagan ang mga kasalukuyang staff ng DSWD at mas maging maayos ang workload.
Ibig sabihin, magkaroon na ng caseload na isang manager para sa bawat 300 na households.
Sa pinakahuling datos ng DBM, nasa 3,976,653 ang household beneficiaries mula sa 41,676 barangay sa buong bansa na katumbas ng 90.38% ng 4.4 milyong target households.