Paglikha ng higit isang milyong trabaho sa ilalim ng Build Build Build program, target ng DPWH sa katapusan ng taon

Higit 1.5 million na trabaho sa bansa ang inaasahang maibibigay ngayong taon sa ilalim ng Build, Build, Build infrastructure program.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, ang infrastructure program ay inaasahang makakapagbigay ng 6.57 million na trabaho sa bansa mula nang inilunsad ito noong 2016.

Aniya, nasa 1,525,342 na trabaho ang malilikha ngayong taon mula sa 2020 budget.


Ang Build, Build, Build program ay layong palawakin ang economic development at magbigay ng kabuhayan para sa mga Pilipino.

Facebook Comments