Paglikha ng mas maraming trabaho sa bansa, hiniling ng Senado upang maiwasan na ang forced migration

Kinalampag ni Senator Christopher “Bong” Go ang pamahalaan na lumikha na ng mas maraming trabaho sa bansa upang mapigilan na ang “forced migration” o pangingibang bansa ng ating mga kababayan para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya.

Ang apela ng mambabatas ay kasunod ng nalalapit na paguwi sa bansa ni Mary Jane Veloso matapos ang ilang taon na naharap ito sa parusang kamatayan sa Indonesia.

Ayon kay Go, sa pagbabalik bansa ni Veloso ay nananatili pa ring masakit na paalala sa maraming kababayan ang katotohanan na napipilitan silang umalis ng Pilipinas para lang mabuhay.


Iginiit ng senador na kailangang tutukan ang pagbibigay ng mas maraming trabaho rito sa ating bayan upang maiwasan na ang mga kahalintulad na insidente kay Veloso na nabiktima ng mga drug syndicate.

Inirekomenda ni Go sa pamahalaan ang pagkakaroon ng mga programang magbibigay ng oportunidad o mga trabaho sa probinsya lalo’t karamihan ng mga migranteng manggagawa ay mula sa mga lalawigan.

Facebook Comments