Paglikha ng mga trabaho, tiyak sa ilalim ng economic Cha-cha

Naniniwala ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang pagluluwag ng economic restrictions sa 1987 Constitution ay mahalaga sa pag-asenso ng bansa.

Ito ay matapos aprubahan sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang Resolution of Both Houses No. 2 na layong amiyendahan ang Saligang Batas at bigyan ng kapangyarihan ang Kongreso na bawiin ang constitutional limits sa foreign investments.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mas maraming trabaho at oportunidad ang malilikha kapag isinulog ang economic Charter Change o Cha-cha.


Ang Pilipinas aniya ay nakatali sa foreign direct investments (FDIs) at isa sa mga bansa sa Asya na may mahigpit na investment rules na bunga ng mahigpit na economic provisions ng Konstitusyon.

Maraming kumpanya ang pansamantalang nagsuspinde ng operasyon o tuluyang nagsara dahil sa kinakaharap na health crisis.

Para naman kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na kailangan ng economic reforms ngayong pandemya.

Ang House resolution ay sasailalim sa ikatlo at huling pagbasa sa May 31 sa plenaryo ng Kamara.

Facebook Comments