Iginiit ng Malacañang na hindi na kailangan pang magtatag ng task force na tututok sa relief at rehabilitation efforts sa gitna ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – wala silang nakikitang dahilan para magkaroon pa ng task force dahil tulu’y-tuloy naman ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong residente.
Pero sinabi ni Panelo na ikinukonsidera ni Pangulong Rodrigo Dutere ang ilang mungkahi kabilang ang pagtatatag ng Taal commission.
Tiniyak ng Palasyo na ang mga gantiong suhestyon ay pag-aaralang mabuti kung ito ay makakabuti sa taumbayan.
Facebook Comments