Paglikha ng trabaho at pagtugon sa kahirapan, tinatayang magiging matinding hamon sa pagbangon ng ekonomiya sa 2022 ayon sa DOF

Ang paglikha ng trabaho at pagtugon sa kahirapan ang magiging matinding hamon ng gobyerno sa 2022 kasabay ng pagbangon ng ekonomiya.

Ayon sa Department of Finance (DOF), pinadapa pa kasi lalo ng COVID-19 ang ating mga kababayan na karamihan ay hirap na sa buhay.

Sa ngayon, kinakailangan pa anila ng mga karagdagang hakbang at programa ng pamahalaan upang unti-unting mapabuti ang lagay ng mga Pilipino.


Facebook Comments