Paglikha ng ₱10-B assistance fund para sa mahihirap na cancer patients, isinulong sa Kamara

Isinusulong ngayon sa Mababang Kapulungan ang paglikha ng ₱10 billion fund para matustusan ang pagpapagamot at pangangalaga sa mga mahihirap na may cancer.

Nakapaloob ito sa House Bill 7687 na inihain nina Davao City 1st District Representative Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap.

Layunin ng panukala na palakasin ang assistance fund na nakapaloob sa National Integrated Cancer Control Act dahil hindi ito sapat kaya nananatiling pasanin pa rin sa mga maralitang cancer patients ang malaking gastos sa kanilang pagpapagamot.


Base sa panukala, ang ₱10 billion Cancer Medicine and Treatment Fund ay pangangasiwaan ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa pamamagitan ng mga accredited nitong government hospitals.

Ang mga benepisaryo ng naturang pondo ay magkakatuwang na tutukuyin ng PhilHealth, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Facebook Comments