
Nagpaalala ang pamunuan ng Himlayang Palanyag sa Parañaque na suspendido hanggang November 3 ang paglilibing sa nasabing sementeryo.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang paglilinis at pagpipintura ng mga nitso ngayon hanggang sa November 3.
Sa ngayon, nagpapatupad na ng rerouting ang Parañaque Traffic and Parking Management Office (TPMO) sa paligid ng Himlayang Palanyag.
Kaugnay ito ng pagdagsa ng mga bisita at ng mga sasakyan sa lugar.
Hinihikayat naman ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque ang publiko na makipagtulungan sa mga otoridad upang matiyak ang ligtas na paggunita ng Undas ngayong taon.
Facebook Comments









