Nakakuha na ng suporta mula sa ilang government heads ang aktibong ginagawa ng Civil Service Commission na sorpresang pagbisita sa ibat ibang ahensya ng Gobyerno at Local Govt. Units sa buong bansa.
Katunayan may mga kahilingan nang tinatanggap ang CSC mula sa pamunuan ng ilang Govt Agency na magsagawa na rin ng sorpresang pagbisita sa kanilang mga tanggapan.
Sinabi pa ni CSC Commissioner Atty Aileen Lizada, ginagawa ng CSC ang serye ng paglilibot sa mga Government offices upang personal na makita kung nagtatrabaho ng tama ang mga kawani doon.
Aniya ,sa loob lamang ng anim na raw ay nabisita na ng CSC ang nasa limang CSC Regional Offices, anim na LGU’s at apatnapu’t walong National Government Agencies.
Kabilang sa mga nadiskubre ng CSC ay ang ilang empleyado na naglalaro ng mobile games o gumagamit ng cellphone habang naka-duty.
Nabisto rin ang isang gwardiya na tumanggap ng pera, at isang tauhan ng LTFRB na nagbebenta ng prangkisa sa halagang P700,000.
Sabi pa ni Lizada, marami ang naniniwala na malaking tulong ang mga hakbang ng CSC, upang mapalakas pa ng serbisyo-publiko.