Paglilibot sa Luzon, sinimulan na nina SP Sotto at Senator Lacson

Sinimulan na nina Senate President Tito Sotto at Senator Ping Lacson ang “Tour of Luzon” o paglilibot sa ilang probinsya sa Luzon.

Ito ay kanilang sinimulan sa pamamagitan ng magkasamang pagsisimba kanina sa Barasoain Church sa Bulacan kung saan din sila nagsagawa ng consultative meeting sa Malolos local officials.

Ayon kay SP Sotto, layunin ng kanilang version ng Tour of Luzon na kumustahin ang mga Local Government Units (LGUs).


Sabi ni SP Sotto, ito ay para matingnan ang kanilang kalagayan at makakuha ng mga suhestyon para sa post-COVID-19 recovery plan ng bansa.

Ang hakbang nina SP Sotto at Lacson ay bahagi ng kanilang gagawing pagpapasya kung tutuloy sila sa pagkandidato sa pagkapangulo at ikalawang pangulo sa 2022 elections.

Si SP Sotto ay stalwart ng Nacionalist People’s Coalition, habang independent naman si Lacson.

Facebook Comments