Paglilimita sa outdoor exercises sa gitna ng MECQ, pwedeng gawin ng mga LGU

Maaaring limitahan ng mga Local Government Unit (LGU) ang outdoor exercises sa kanilang lungsod.

Kasabay ito ng pagpapahintulot ng outdoor exercises matapos mailipat sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, maaaring magpatupad ng sariling restrictions ang mga LGU depende kung gaano karaming kaso ng COVID-19 ang kanilang nasasakupan.


Matatandaang sa inilabas na Omnibus Guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF), simula August 19 ay pinapayagan na ang mga indibidwal na makapag-ehersisyo sa labas ng kanilang bahay.

Kabilang dito ang outdoor walks, jogging, running or biking.

Facebook Comments