Thursday, February 26, 2026

Paglilinaw ni Atty. Baligod, patunay na imbento lang ang mga alegasyon niya at ng mga ex-marines —Rep. De Lima

Binigyang diin ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na malinaw ngayon na imbento lang ang kwento ni Atty. Levi Baligod at 18 mga dating Marines laban sa kanya.

Ito ay makaraang linawin ni Atty. Baligod na maaaring nagkamali siya nang isama si De Lima sa listahan ng mga kongresistang nabigyan umano ng male-maletang pera mula kay dating Congressman Zaldy Co.

Ayon kay De Lima, nagkakabuhol-buhol na agad ang kwento nina Baligod dahil sa lantarang kasinungalingan at paninira laban sa kanya.

Una nang ipinaliwanag ni Baligod na hindi sa maleta nakalagay ang mga perang inihatid kay De Lima kundi sa paper bag lang at hindi rin galing sa flood control projects.

Pero punto ni De Lima, kahit sa maleta o paper bag pa inilagay ang sinasabing pera, ay malinaw na gawa-gawa ang mga paratang laban sa kanya.

Facebook Comments